Escudero sa DPWH at MMDA: Wakasan na ang pagbaha sa MM

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Senate President Francis “Chiz” G. Escudero sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na wakasan na ang talamak na pagbaha sa Metro Manila pagkatapos ng pananalasa ng bagyong Carina at Habagat na nagpalubog sa buong National Capital Region (NCR).

Nais din ng pinuno ng Senado na magkaroon ng masusing imbestigasyon sa mga flood control projects ng gobyerno dahil sa matinding pagbaha sa kabila ng multibillion-peso na pondo na ibinibigay sa DPWH kada taon.

“With Metro Manila now under a state of calamity and the government now working to address the damage wrought by typhoon Carina, we should also work to determine why—over a decade after typhoon Ondoy—chronic, severe flooding continues to afflict the nation’s capital,” giit ni Escudero.

“Swaths of NCR are flooded so work and classes are suspended; we deploy our frontliners who rescue and evacuate affected families; generous volunteers and groups organize donation efforts and distribute aid; after the rains end, we assess the costs of the damage and evacuees are sent home. Repeat,” dagdag pa nito

Binibigyang diin ni Escudero na ang paulit-ulit na pagbaha ay isang masakit na katotohanan na hindi maaaring tanggapin, lalo na at binigyan ng kahalagahan ekonomiya ang Metro Manila at ang papel nito sa pamahalaan.

“Ganito na lang ba palagi? Tatanggapin na lang natin na kapag malakas ang ulan, magbabaha at mapaparalisa ang ikot ng buhay natin? Anong nangyari sa ‘building back better’?” tanong ni Escudero.

Sinabi ni Escudero na dapat makipagtulungan ang DPWH at MMDA sa mga local government units (LGUs) sa pag-inspeksyon sa mga lugar na binaha upang magrekomenda ng medium- at long-term solutions para maiwasan ang pagbaha.

“We cannot control the severity and frequency of typhoons and heavy rains, but we must anticipate, adjust, and adapt so that extreme weather phenomena do not unnecessarily disrupt the lives of our kababayan. Sana ang problema na kinagisnan ng ating mga lola at lolo ay ‘wag nang ipamana sa ating mga apo,” pahayag ni Escudero.

Kasabay nito, kinuwestiyon ng Senate President ang bisa ng flood control measures at ang paggamit ng malaking budget na inilaan para sa mga proyektong ito.

Humigit-kumulang sa P255 bilyon ang inilaan para sa flood control projects ng DPWH sa P5.768-trillion national budget para sa 2024, na dati nang binatikos ni Escudero bilang di-proporsyonal na malaki kumpara sa iba pang sektor.

“Anong nangyari sa daan-bilyon na flood control projects ng DPWH, MMDA at mga lokal na pamahalaan?” pag-uusisa pa ni Escudero.

Sa budget deliberations noong nakaraang taon, binanggit ni Escudero na ang P255 bilyon na budget para sa flood control ay higit na lumampas sa alokasyon para sa irigasyon (P31 bilyon), ang pagtatayo ng mga bagong ospital, at maging ang capital outlay budget ng Department of Agriculture (P40.13 bilyon). at Department of Health (P24.57 bilyon).

Leave a comment