Naranasang pagbaha sa MM dahil sa reclamation sa Manila Bay – Sen. Villar

Senador Cynthia Villar

Ni NOEL ABUEL

Tinukoy ni Senador Cynthia Villar na dahil sa patuloy na reclamation sa Manila Bay ang dahilan sa pagbaha sa malaking bahagi ng Metro Manila kabilang ang paligid ng Senado sa Pasay City bunsod ng pananalasa ng bagyong Carina at ng Habagat.

Ayon sa senador, noong wala pang reclamation ay hindi binabaha ang Senado at ngayong nakalipas na pagbaha ay dumanas na pagtaas ng tubig sa paligid nito.

“Wala naman ‘yan dati. Di naman binabaha ang Senado dati. I think it’s the result of that reclamation. Lahat naman ‘yan ang sinasabi na ‘yun ang reason. May major river kami sa tabi ng Senado di ba na lumalabas sa Manila Bay. Baka nahihirapan na siyang lumabas doon,” paliwanag pa ng senador.

Inihalimbawa pa ni Villar ang maigting nitong pagtutol sa reclamation sa Manila Bay sa Parañaque at Las Piñas ay hindi naapektuhan ng pagbaha ang lungsod.

“Hindi naman kami binaha, may minor hindi naman major kasi we have always cleaned our river di ba? ‘Yan ang emphasis namin di ba? And we have really fought for the non-reclamation of our side of Manila Bay. Kasi pagni-reclaim ‘yan walang dadaanan ang tubig from our four rivers Parañaque; Las Piñas; Zapote and Molino river na lumalabas diyan sa Manila Bay. We have to have an outlet for our water in our river,” paliwanag pa ni Villar.

Nanindigan ang senador na peligroso ang bay reclamation sa Metro Manila.

“Sa amin po talagang inaral na namin ‘yan. We have four rivers going out of Manila Bay. ‘Yung Molino is connected to Zapote River and ‘yung Parañaque is connected to the Las Piñas River so interconnected kaming apat na river. Talagang pinag-aralan ‘yan na kapag ni-reclaim kami babaha kami ng 6-8 meters. And that is equivalent to 3 storey building. Kaya talagang predicted ‘yan ng DPWH, talagang sinabi na sa akin ‘yan long before na wag akong papayag kasi babahain kami. I have always fought against reclamation,” pahaya pa ni Villar.

Sinabi pa ng senador na ang Marikina na hindi isinara ang ilog ay nakaranas pa rin ng mataas na pagbaha tulad rin ng dati tuwing umuulan.

“Sa Marikina nga hindi isinara ang river nila, di ba pinulot sila sa roof ng 3 storey building? Sa kanila di pa sinara ‘yung river pero umabot na sa 3rd storrey ng building, eh how bout kami na isasara ang river thru reclamation. Lalong mas grabe ‘yung amin di ba?” ayon pa sa senador.

Leave a comment