Solon sa pamahalaan at LGUs: Madaliin ang pagtulong sa mga binaha

Rep. Bernadette Herrera

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera ng agaran at komprehensibong aksyon upang matulungan ang mga apektadong komunidad at matiyak ang mabilis na pagbangon mula sa epekto ng bagyong Carina at hanging Habagat.

“The destruction caused by typhoon Carina and the intensified southwest monsoon has left many of our fellow Filipinos in dire situations,” sabi ni Herrera.

“Homes have been destroyed, livelihoods disrupted, and lives tragically lost. Now, more than ever, we need to come together as a nation to provide the necessary support and resources to those in need,” aniya pa.

Hinimok ni Herrera ang gobyerno at lokal na pamahalaan na pabilisin ang paghahatid ng mga relief goods, tulong medikal, at tulong pinansyal sa mga lugar na pinakanaapektuhan ng kalamidad.

Binigyan-diin ni Herrera ang kahalagahan ng isang maayos at mahusay na pagtugon upang mapagaan ang pangmatagalang epekto ng kalamidad.

“I am calling on all government agencies, non-governmental organizations, and private sector partners to intensify their relief operations. We must ensure that food, clean water, medicine, and other essential supplies reach the affected communities without delay,” giit ni Herrera.

Aniya, dapat bigyan ng partikular na atensyon ang kapakanan ng mga ina at anak sa mga evacuation centers.

Sinabi ni Herrera na ang mga mahihirap na pamilyang ito ay kadalasang nahaharap sa mga natatanging hamon, kabilang ang pangangailangang medikal at nutrisyon.

“We need to ensure that evacuation centers are equipped to provide proper healthcare services, including prenatal and postnatal care for women and immunizations and pediatric care for children. Their well-being must be a priority,” sa pahayag ng kongresista.

Binigyan-diin ni Herrera ang pangangailangan para sa mga pangmatagalang hakbang upang mapahusay ang paghahanda at katatagan ng bansa sa kalamidad.

Samantala, kinilala ni Herrera ang walang sawang pagsisikap ng mga first responders, mga volunteers, at mga lokal na opisyal na buong-panahong nagtatrabaho upang tulungan ang mga apektado ng pagbaha.

“Their dedication and bravery in the face of adversity are truly commendable. We owe them our deepest gratitude and unwavering support,” aniya.

Nanawagan din si Herrera sa mga kapwa nito mambabatas na unahin ang batas na naglalayong palakasin ang disaster response at management capabilities ng bansa.

“We must pass laws that will bolster our ability to respond to and recover from natural disasters. It is our duty to ensure the safety and well-being of our citizens,” ayon pa sa mambabatas.

Leave a comment