Villar sa mga kabataan: Maging katuwang sa pagsugpo sa kahirapan

Ni NOEL ABUEL

Hinamon ni Senador Cynthia Villar ang mga kabataan na makisali sa mga social enterprise upang makatulong na mabawasan ang kahirapan sa kanilang mga komunidad.

Ayon sa senador, katuwang ng mga kabataan ang Villar Foundation, na kanyang pinamumunuan, at naniniwala sa poverty reduction at youth empowerment.

Binigyan-diin nito ng pagkakataon ang mga kabataan na gumawa ng mga desisyon sa kanilang komunidad upang tulungan sa pagpapabuti ng kanilang kalagayan sa pamumuhay at sa buhay ng mga tao sa kanilang kumunidad.

Para hikayatin silang kumilos at lumahok sa mga pagsisikap na mabawasan ang kahirapan, inilunsad ni Villar noong 2017 ang Villar Foundation Youth Poverty Reduction Challenge, isang kompetisyon para sa mga kabataang Pilipino na sa pamamagitan ng social enterprise ay nakakatulong upang mabawasan ang kahirapan sa mga komunidad at sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa 7th Villar Foundation Youth Poverty Reduction Challenge awarding ceremonies na ginanap sa Villar Sipag Complex sa Las Piñas City, nitong July 25, binanggit ng senador na isang malaking hamon ang kahirapan, maraming bagay ang nakakaapekto sa isang tao, pamilya, komunidad, at bansa para sa karamihan ng mga Pilipino.

“Poverty is oftentimes a hindrance, or it sets limitations to acquiring education, taking care of one’s health, having enough food on the table, or finding a job,” sabi din ni Villar, na kilalang advocate ng social enterprises.

Nanawagan din ang senador sa mga kabataan na maging aktibong katuwang sa pagsusulong ng iba’t ibang programa para labanan ang kahirapan.

Sa taong ito, mayroong mahigit na walumpung entries na sumali kung saan 20 ang na-shortlist, at walo ang nagwagi at nakatanggap ng cash prize na P150,000 at trophy.

Apat (4) na Most Promising Youth Groups ang nakatanggap din ng cash prize na P100,000 at trophy, at binigyan naman ng special recognition ang tatlong (3) youth organizations na nakatanggap ng P75,000 at certificate mula sa pamilya Villar.

Kabilang sa mga nagwagi ng parangal ang:

Most Outstanding Youth Organization:

  1. BUILDING YOUTH EMPOWERMENT Tondo, Manila
  2. 4-H CLUB FEDERATION OF SAN FERNANDO CITY LA UNION, San Fernando City, La Union
  3. WE VOLUNTEER PH, Solana, Cagayan
  4. AVES CIVIL SOCIETY ORGANIZATION INC., Imus City, Cavite
  5. PAUNLARIN ANG KABATAAN SA PAGSASAKA FARMERS ASSOCIATION, Santa Cruz , Occidental Mindoro
  6. DANAHAW INTEGRATED SCHOOL – SECONDARY 4H CLUB, Clarin, Bohol
  7. DEVELOPING THE YOUTH WITH ENVIRONMENTALLY SUSTAINABLE ADVOCACIES TO BUILD AND EMPOWER LIVES (DYESABEL) PHILIPPINES, INC. Davao City
  8. YNUT: GIFT FROM NUT, Poblacion, Carmen, North Cotabato Most promising youth group:
  9. SAGIP KABATAAN YOUTH ORGANIZATION Rizal, Kalinga, CAR
  10. TAGALAG YOUTH ORGANIZATION. Bgy. Tagalag, Valenzuela City
  11. EMPOWERED GOLDEN GAYS OF TUMAUINI Tumauini, Isabela
  12. PROJECT BARAKO Ibaan, Batangas

Special recognition awardees:

  1. Fusion F.A.M from Brgys Talon 5 and Almanza Dos, Las Piñas City
  2. Bernabe Youth Entrepreneur, Brgy.Pulanglupa 1, Las Piñas City
  3. PILAR Youth Dance Company, Brgy. Pilar, Las Piñas City

Binati rin ng senador ang lahat ng nanalo at sinabi sa mga kabataan na marami pa Ang mga itong magagawa.

Leave a comment