2 foreign nationals arestado sa Benguet –BI

Ni NERIO AGUAS

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang dayuhan sa isinagawang operasyon sa isang subdibisyon sa Brgy. Poblacion sa Tuba, Benguet.

Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang mga dayuhan na si Wang Keping, 35-anyos, Chinese national at ang kasama nitong si Khuon Moeurn, 3-anyos, Cambodian national, na nadakip ng pinagsanib na puwersa ng BI intelligence division regional intelligence unit Cordillera Administrative Region at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Ayon kay BI intelligence division chief Fortunato Manahan, Jr. nag-ugat ang operasyon sa impormasyon mula sa PAOCC tungkol sa isang babaeng Chinese na hinahanap kaugnay sa kanilang pagsalakay kamakailan sa Bamban, Tarlac.

Armado ng mission order isinagawa ang pagsalakay laban kay Wang ngunit pagdating sa nasabing lugar ay hindi natagpuan ang huli at sa halip ay nakita ang dalawang dayuhan.

Matapos ang isinagawang beripikasyon, napag-alaman na si Moeurn ay isang undocumented at overstaying alien matapos na mabigong ipakita ang kanyang dokumento.

Sinabi ng mga operatiba na nakapagpakita lamang si Moeurn ng larawan ng kanyang Cambodian passport na may bisa lamang hanggang Agosto 2020.

“While Wang had a working visa, she may be charged with violation of immigration laws for harboring an illegal alien,” sabi ni Manahan.

Ang dalawang dayuhan ay dadalhin sa Maynila para sa booking procedures kung saan ang kustodiya sa mga ito ay mananatili sa PAOCC habang sumasailalim sa deportation proceedings.

Leave a comment