2 pang kongresista sumanib sa Lakas-CMD

Ni NOEL ABUEL

Dalawa pang kongresista ang sumanib sa pinakamalaking political group sa bansa na Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Personal na pinangasiwaan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang panunumpa ng pagiging miyembro kina Manila 3rd district Rep. Joel Chua at Isabela Rep. Ed Christopher Go sa presensya ng iba pang opisyal ng partido.

Kabilang din sa sumanib sa Lakas-CMD si
Mrs. Soledad Go, ang may bahay ni Baguio City Rep. Mark Go.

Dahil sa pagkakaugnay nina Chua at Go, umabot na sa 102 ang kabuuang bilang ng mga miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara.

Sinabi ni Romualdez na masaya itong tanggapin ang kanyang mga bagong miyembro ng partido.

“They share our principles and aspirations for a better life for our people and a more progressive Philippines,” sabi nito.

Aniya, ang pinalawak na samahan ng Lakas-CMD ay nangangahulugan ng mas malawak na suporta sa Kongreso sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Bukod sa mga mambabatas, ang nasabing partido ng administrasyon ay nakakuha rin suporta mula sa mga lokal na opisyal.

Kabilang dito sina Mexico, Pampanga Mayor Redencio Gonzales, Vice Mayor Jonathan Pangan, at Councilor Ma. Angela Pangan na kapwa nanumpa kay Romualdez bilang mga bagong miyembro ng Lakas-CMD.

Leave a comment