LPA nananatili sa bansa

Ni RHENZ SALONGA

Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sama ng panahon na nasa Philippine area of responsibility.

Ayon sa weather advisory ng state weather, huling namataan ang nasabing low pressure area sa layong 335 km hilaga ng Itbayat, Batanes.

Nabatid na ang nasabing LPA ay makakaapekto sa hanging Habagat na magpapaulan sa katimugang bahagi ng Luzon.

Asahan na magiging maulan sa Ilocos region, Benguet at Zambales bunsod ng Habagat na maaaring magdulot ng flash floods o landslides.

Samantala ang Metro Manila, ang nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, Tarlac, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro ay magiging maulap ang papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog-pagkidlat dahil din sa Habagat.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon din ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil naman sa localized thunderstorms na magiging malakas kung kaya’t posible ang pagkakaroon ng flash floods o landslides.

Leave a comment