Sindikato sa PSA dapat nang lansagin — solon

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera sa National Bureau of Investigation (NBI) para paigtingin ang imbestigasyon sa isang sindikato na umano’y nag-o-operate sa loob ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa kongresista, ang sindikato ay sangkot umano sa paglaganap ng mga pekeng birth certificate, gaya ng itinampok sa isinasagawang pagdinig ng Senado sa kaso ng suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

“The integrity of our Philippine records is at stake. We must dismantle this syndicate to preserve the trust and reliability of our national documents,” ani Herrera.

Nauna rito, inihayag ni Senador Sherwin Gatchalian ang impormasyon mula sa Chinese community na nagpapahiwatig na ang price tag para sa pagproseso ng mga pekeng birth certificates at iba pang government ID ay nasa P300,000.

Natuklasan kamakailan ng NBI na humigit-kumulang 200 falsified birth certificates ang naibigay sa mga Chinese nationals sa pagitan ng 2018 at 2019 sa Santa Cruz, Davao del Sur.

Subalit naniniwala si Herrera na ang problema ay mas malawak pa sa ibang lugar.

“This issue is not isolated to Davao del Sur; it is rampant across the entire country. The integrity of our Philippine records is at stake. We cannot allow these fraudulent activities to continue, as they undermine the trust and reliability of our national documents,” ani Herrera.

Binigyan-diin ng beteranong party-list legislator ang kahalagahan ng pananagutan sa mga responsable para mapangalagaan ang integridad ng mga talaan ng bansa.

Nanawagan din ito ng agarang aksyon upang lansagin ang sindikato at magpatupad ng mas mahigpit na mga hakbang upang maiwasan ang mga karagdagang pangyayari.

“The PSA and other relevant agencies must work hand-in-hand with the NBI to eradicate this syndicate. We must ensure that our birth certificates and other vital records remain trustworthy and authentic,” dagdag pa ng kongresista.

Leave a comment