Benepisyo sa mga guro suportado ng kongresista

Rep. Bernadette Herrera

Ni NOEL ABUEL

Ipinahayag ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera ang buong suporta nito sa mga plano ni Department of Education (DeEd) Secretary Sonny Angara na mapabuti ang benepisyo ng mga guro at lumikha ng isang kapaligiran na mas friendly para sa guro sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Kasama sa inisyatibong ito ang isang komprehensibong pagsusuri at pagpapasimple ng Results-Based Performance Management System (RPMS) at ang pagbabawas ng non-teaching duties upang bigyan-daan ang mga guro na higit na tumutok sa kanilang mga mag-aaral.

“Secretary Angara’s commitment to improving the welfare and professional development of our public school teachers is commendable and much needed,” sabi ni Herrera.

“Our educators are the backbone of our education system, and it is high time we ensure they have the support and resources they need to excel in their roles,” dagdag pa nito.

Pinuri ni Herrera ang direktiba ni Angara sa DepEdbna suriin at pasimplehin ang RPMS, na naging malaking pabigat sa mga guro dahil sa pagiging kumplikado nito.

“By streamlining the RPMS, we can alleviate the undue stress and administrative workload on our teachers, allowing them to concentrate on their primary role of educating and guiding our students,” ayon pa sa kongresista.

Nabatid na plano din ni Angara na tanggalin ang non-teaching tasks sa mga guro, isang hakbang na pinaniniwalaan ni Herrera na makapagpapataas ng kalidad ng edukasyon.

“Our teachers should be given ample time to mentor and support students, particularly those who require additional guidance,” sabi pa ni Herrera.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ang pag-alis ng mga pahirap na tungkulin ay magbibigay-daan sa mga guro na maglaan ng mas maraming oras at pagsisikap sa academic and personal development ng kanilang mga mag-aaral.

“I fully support Secretary Angara’s vision for a more teacher-friendly environment within our public school system. Investing in our teachers is investing in our future,” giit ni Herrera.

Hinimok nito ang mga kapwa mambabatas na mag-rally sa likod ng mga inisyatiba ni Angara at tiyakin na ang mga ito ay may sapat na pondo at maipatutupad.

Kumpiyansa rin si Herrera na ang pagbabagong ito ay mabilis na maipatutupad, na humahantong sa mas suportado at epektibong kapaligirang pang-edukasyon para sa mga guro at mag-aaral.

Leave a comment