French at Korean nationals arestado ng BI

Ni NERIO AGUAS

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong dayuhan na pawang illegal aliens sa magkahiwalay na lugar sa Baguio at Cebu.

Ayon kay BI Intelligence Division chief Fortunato Manahan, Jr. naaresto ang lalaking French-British na si Morris James Hamey, 42-anyos, sa Baguio City Jail Male Dorm noong Hulyo 29.

Nabatid na si Hamey ay dinakip dahil sa pagiging illegal entry at undocumented kung saan nahatulan na rin ito ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Samantala, sa hiwalay na operasyon ng BI agents at ng Philippine National Police Station 4, sa Barangay Agus, Lapu-Lapu City, Cebu, naaresto ang dalawang Korean nationals na nakilalang sina Park Jungkwan, 52-anyos, at Lee Sang Bae, 46-anyos.

Napag-alaman na si Park ay may kinakaharap na warrant of deportation na inilabas ng BI noong nakaraang buwan nang madakip.

Maliban kay Park, nahuli rin si Lee nang mapatunayang overstaying alien ito at natuklasang wanted ito ng BI simula pa noong 2019.

“Our operatives’ diligence and coordination with local authorities were crucial in apprehending these individuals and upholding the integrity of our immigration system,” sabi ni Manahan.

Leave a comment