Davao Occidental at Surigao del Sur niyanig ng paglindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng paglindol ang probinsya ng Davao Occidental at Surigao del Sur ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa datos ng Phivolcs, magnitude 3.8 na lindol ang naitala sa richer scale ganap na alas-3:20 ng madaling-araw.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 073 km timog silangan ng Sarangani Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental at may lalim na 043 km at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang danyos ang nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Samantala, ganap namang alas-8:52 ng umaga nang maitala ang magnitude 3.4 ng lindol sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 019 km timog silangan ng Marihatag, Surigao Del Sur at may lalim na 032 km at tectonic ang origin.

Wala namang inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment