State-of-the-art MRI at CT scan equipment pinasiyaan ni Sen. Cayetano sa PCMC

Si Senador Pia Cayetano habang pinagmamasdan ang makabagong state-of-the-art MRI at CT scan equipment sa Philippine Children Medical Center.

Ni NOEL ABUEL

Pinasiyaan ni Senador Pia Cayetano ang paglulunsad ng state-of-the-art na MRI at CT scan equipment sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Nabatid na ang okasyon ay nagmarka ng isang malaking hakbang sa pagsusulong at pagpapabuti ng healthcare services at imprastraktura para sa kalusugan ng mga batang Pilipino.

Nagpasalamat naman si Dr. Sonia Gonzalez, Executive Director ng PCMC, sa mahalagang papel ni Cayetano sa paglalaan ng pondo para sa imprastraktura ng ospital at mahahalagang medical asset.

Sa pagdaragdag ng mga MRI TESLA at CT scan machine, nakikita ng PCMC ang isang mas mahusay at maginhawang pangangalaga sa pasyenteng pediatric.

Ang MRI machine, ang una sa bansa, at ang na-upgrade na CT scan ay inaasahang makakatanggap ng dobleng dami ng mga pasyente, na magbibigay ng mas malinaw na mga imahe.

“These equipments would allow us to serve more children and help our medical personnel diagnose their patients faster and better,” the ayon sa senador.

Bago ang inagurasyon, nakiisa si Cayetano kay Senator Bong Go sa pagdiriwang ng World Liver Day ng PCMC.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Cayetano na ang kanyang yumaong ama na si Senador Rene Cayetano ay isang liver transplant patient.

Ikinuwento rin nito ang kanyang personal na karanasan bilang isang magulang na ‘nanirahan’ sa ospital sa loob ng siyam na buwan upang alagaan ang kanyang bagong silang na anak na si Gabriel.

Si Gabriel ay ipinanganak na may trisomy-13, isang bihirang genetic na kondisyon at kalaunan ay sumuko sa mga komplikasyon nito.

Tinapos ni Cayetano ang kanyang talumpati bilang pagkilala at pagbibigay-diin sa napakahalagang gawain ng mga doktor at healthcare workers.

Leave a comment