Urban at home gardening sagot sa food demand — Villar

Pinangunahan ni Senador Cynthia Villar ang pagsusulong ng urban at home gardening upang malabanan ang kakapusan ng supply ng pagkain.

Ni NOEL ABUEL

Isinusulong ni Senador Cynthia A. Villar ang urban agriculture at home gardening bilang sagot sa lumolobong populasyon ng bansa at tumataas na food demand and consumption.

Inihayag ni Villar, chairperson ng Senate Agriculture and Food committee na ginagawa ang mga ito sa kanyang home city sa Las Piñas.

Isinusulong din ni Villar ang urban agriculture at home gardening sa ibang lugar sa bansa.

“Mahalaga sa ating magpapalay ang pagkakaroon ng cash crop habang naghihintay ng pag-ani, at ito ay ang pagtatanim ng gulay, pagdikit nito sa mamimili, at pagsunod sa good agricultural practices o GAP,” pahayag ng senador.

Binanggit din nito na may apat na farm schools ang Villar Family na nasa Las Piñas – Bacoor para sa NCR, Regions 4A-4B at Region 5; San Jose Del Monte City, Bulacan para sa Central, Northern Luzon at Cordillera; San Miguel, Iloilo para sa Visayas at Davao City para sa Mindanao.

Namimigay rin ang senador sa buong kapuluan ng libreng vegetable seeds at compost para sa home gardening.

“This will ensure the availability of affordable and nutritious foods for Filipino families,” ani Villar.

“This can also provide livelihood since the products are brought to the market,” dagdag pa ng senador sa kanyang speech sa Harvesting Festival and Farmer’s Field School Graduation of the Upscaling of the ‘Gulayan sa Palayan at Pagnenegosyo’ na idinaos sa Castillejos, Zambales.

Sinabi rin ni Villar na ‘organic practitioner’ siya simula pa noong 2002 sa Las Piñas City.

Sa ngayon, meron na itong 89 composting facilities sa halos lahat ng barangay sa Las Piñas at 50 sa Vista Land at Camella communities.

Ang isang composting machine ay nakagagawa ng 1,000 kilos ng organic fertilizer kaga buwan. Nagmula ito sa mga nakokolektang kitchen at garden wastes mula sa 500 households Las Piñas City.

Ipinagmalaki ni Villar na ang gawaing ito na tinatawag na “Villar Las Piñas Kitchen Wastes Composting Project” ay nanalo ng Energy Globe Award, isang international award sa environmental sustainability.

Kinilala rin ito na “World’s Best Environmental Project in 2022″ na ginanap sa Austria.

Binati naman niya ang graduates at pinasalamatan sina Castillejos, Zambales Mayor Jeffrey Khonghun at Dr. John de Leon ng PhilRice at ang East West Seeds Foundation.

Leave a comment