4 Pinay nasagip sa human trafficking

Ni NERIO AGUAS

Nasagip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Pinay na pawang biktima ng human trafficking at patungo Sana sa China.

Ayon sa BI, ang mga biktima na pawang itinago ang mga pagkakakilanlan, ay naharang noong Abril 21 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nabatid na nang dumaan sa immigration counters ang mga biktima ay nagsabi ang mga ito na magtutungo sa Hong Kong bilang turista.

Ngunit nagduda ang mga BI personnel sa magkakaibang pahayag ng mga ito kung kaya’t pinigilan hanggang sa umamin ang apat na Pinay na patungo ang mga ito sa China para magtrabaho bilang waitresses.

Anila, kinumbinse ang mga ito ng isang babaeng Taiwanese na nakilala sa WeChat at pinangakuan ng trabaho sa China.

Sa imbestigasyon, inutusan ang mga biktima na magkunwang mga turista at pagdating sa Hong Kong ay doon ibibigay ang visa patungo sa China para illegal na magtrabaho.

“These women were deceived into agreeing into the scheme to work abroad. But in reality, they were being trafficked for exploitation and illegal employment,” ani Tansingco.

“Human trafficking is a heinous crime that preys on the most vulnerable members of society. We will continue to work tirelessly to thwart these criminal activities and bring the perpetrators to justice,” dagdag nito.

Ang mga biktima ay dinala sa inter-agency council against trafficking para sa kaukulang tulong ay pagrerekomenda na ilagay sa BI blacklist ang recruiter ng mga ito.

Leave a comment