Paglaki ng US investments sa bansa inaasahan — Speaker Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa napipintong pagtaas ng mga pamumuhunan ng Amerika sa Pilipinas kasunod ng tagumpay na Philippine dialogue sa Washington D.C. upang itayo ang bansa bilang isang kaakit-akit na investment hub.

Ito ay kasunod ng ipinakita ni Department of Finance (DOF) Sec. Ralph Recto sa mga mamumuhunang Amerikano ang maayos na pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at ang maayos na mga patakaran sa pananalapi at pang-ekonomiya ng kanyang administrasyon kasama ang sari-saring mga reporma sa negosyo na epektibong naglunsad ng red carpet para sa parehong dayuhan at lokal na mamumuhunan.

Sina Romualdez at Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez ay kabilang sa mga panauhin sa okasyon kung saan umani ng humigit-kumulang 90 executives mula sa US-based fund and corporation, multilateral na institution, at pampublikong sektor.

“The Philippine Dialogue marked a significant milestone in our efforts to foster robust economic partnerships with the United States,” ayon sa lider ng mahigit na 300 miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Binigyan-diin ni Romualdez na sa nasabing pagpupulong ay ilang American investors na may patuloy na namumuhunan sa Pilipinas ang nagpahayag ang kanilang pagnanais na palawakin pa ang kanilang mga operasyon sa bansa at nagbigay ng suporta sa mga plano ng gobyerno upang higit pang mapabuti ang maayos at mabilis na pagnenegosyo.

“The enthusiastic response from American investors who recognize the immense potential and opportunities that the Philippines has to offer is a strong indication that our country is poised to attract substantial investments from US corporations seeking lucrative opportunities abroad,” ani Romualdez.

“The Philippines’ steadfast adherence to fiscal discipline and prudent debt management has garnered international acclaim, bolstering investor confidence and positioning the nation as a beacon of stability and growth in the Asia-Pacific region,” dagdag nito.

Binanggit nito ang komento ng HSBC Public Sector Banking chairman ng Global Banking and Markets na si Michael Ellam na kinilala ang comprehensive and decisive reform agenda ng Pilipinas na naging dahilan upang maging matatag ito sa kabila ng global headwinds.

Gayundin, sinabi ni Romualdez na ang mga patakarang ito ay pinahuhusay ng competitive advantage na inaalok ng kabataan, tech-savvy, at English-speaking workforce ng bansa.

Binigyan-diin din ni Romualdez ang kamakailang makasaysayang trilateral na pagpupulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., US President Joe Biden, at Japan Prime Minister Fumio Kishida bilang isang testamento sa lumalaking kahalagahan ng Pilipinas sa pandaigdigang yugto.

“This landmark gathering reaffirmed the strong bonds of friendship and cooperation between the Philippines, the United States, and Japan, laying the groundwork for enhanced collaboration in various strategic areas, including trade, investment, and security,” aniya pa.

Leave a comment