Road at flood control projects sa Apayao tinapos na ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tatlong infrastructure projects na may pinagsamang halaga na ₱193.38 milyon sa bayan ng Conner, Apayao province.

Sa kanyang ulat kina DPWH Secretary Manuel M. Bonoan at Undersecretary Eugenio R. Pipo Jr., sinabi ni DPWH Cordillera Administrative Region (CAR) Director Khaddaffy D. Tanggol na isa sa natapos na proyekto sa Conner ay isang bahagi ng east-west lateral route na nag-uugnay sa hilagang rehiyon ng Cordilleras, Ilocos at Cagayan, na tinatawag na Abra-Kalinga-Apayao Road (Buluan-Banban-Puguin-Sacpil-Pinukpuk).

Ipinatupad ng DPWH Apayao First District Engineering Office sa pamumuno ni District Engineer Januario S. Garde, ang natapos na proyekto sa kalsada na nagkakahalaga ng ₱96.50 milyon ay kinabibilangan ng pagtatayo ng 2-lane na kongkretong kalsada, na may drainage, slope protection structures, curb, at gutter umaabot ng 2.66 kilometro.

Ipinatupad din ng DPWH Apayao First DEO ang ₱72.38 milyong Ili-Guinamgaman-Rizal Section ng Apayao-Cagayan Road sa Barangay Guinamgaman na sumasakop sa konstruksyon ng 1.6 kilometrong 2-lane na kalsada, na may drainage at slope protection structures, curb at gutter, pati na rin ng 1-metro ang lapad na bangketa sa magkabilang gilid.

Samantala, ang ₱24 million Barren River flood control project ay natapos sa kahabaan ng 250-meter downstream sa Chico River Basin na ngayon ay nagpoprotekta sa mababang Barangay ng Paddaoan.

“The completion of these new road and flood control projects contribute not only to the safety and connectivity of far-flung areas, but also economic prosperity, as these public infrastructure facilities aid in promoting the investment potential of the area,” sabi ni Tanggol.

Leave a comment