Davao Oriental, Surigao del Sur at Quezon nilindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng paglindol ang Davao Oriental, Surigao del Sur at lalawigan ng Quezon ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs).

Ayon sa datos ng Phivolcs, magnitude 4.1 ang naitala sa dakong alas-12:29 ng madaling-araw na natukoy ang sentro sa layong 082 km hilagang Silangan ng Baganga, Davao Oriental at may lalim na 004 km at tectonic ang origin.

Samantala, ganap namang alas-4:37 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa General Luna, Quezon.

May lalim lamang ito ng 003 km at tectonic ang origin.

Naramdaman sa instrumental intensities ang intensity II sa Mulanay, Quezon at intensity I sa Calauag, Quezon.

Alas-6:00 naman ng umaga nang yanigin din ng lindol ang Surigao del Sur sa lakas na magnitude 3.8.

Nakita ang sentro ng lindol sa layong 113 km timog silangan ng Cagwait, Surigao del Sur at may lalim na 033 km at tectonic ang origin.

Wala namang inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw at wala ring naitalang danyos ang nasabing mga paglindol.

Leave a comment