‘Young Guns’ ng Kamara kinondena ang audio deepfake ni Pangulong Marcos

Ni NOEL ABUEL

Kinondena ng ilang kongresista na tinaguriang “Young Guns” ng Kamara ang paglitaw ng audio deepfake na nagtatampok kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na humihimok ng mapagpasyang aksyon laban sa maling impormasyon na nagbabanta sa integridad ng bansa.

Binigyan-diin nina Assistant Majority Leaders at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, La Union Rep. Paolo Ortega at Zambales Rep. Jay Khonghun ang kahalagahan ng pananatiling mapagbantay laban sa maling impormasyon at hinimok ang patuloy na pagkaalerto upang labanan ang maling impormasyon.

Inilarawan ni Adiong ang audio deepfake bilang isang mapanlinlang na manipulasyon kahit na binigyan-diin ang isang zero-tolerance na paninindigan laban sa mga pagtatangka na pahinain ang demokrasya at impluwensyahan ang opinyon ng publiko.

“This audio deepfake is not just a fabrication; it’s a dangerous attempt to manipulate public perception and incite unwarranted actions,” sabi ni Adiong.

“We cannot allow such malicious tactics to undermine the trust in our institutions,” dagdag nito.

Sinegundahan naman ni Ortega ang pahayag ni Adiong kung saan iginiit ng una na ang pagpapakalat ng mga huwad na pahayag ay tumatama sa puso ng mga demokratikong prinsipyo ng bansa.

“The spread of manipulated content threatens the very fabric of our democracy. We must stand united in condemning these deceitful acts and demand accountability from those who seek to deceive the Filipino people,” ayon pa kay Ortega.

Samantala, sinabi ni Khonghun na dapat na agad na kumilos ang mga awtoridad upang matugunan ang tumitinding banta ng digital manipulation.

“We stand at a pivotal moment in our fight against digital manipulation. We must act decisively to safeguard the sanctity of truth and protect our democracy from those who seek to undermine it,” ani Khonghun.

Ang pahayag ng mga miyembro ng “Young Guns” ay kasunod ng pagbubunyag ng Presidential Communications Office (PCO) ng manipuladong audio na kumakalat sa mga sikat na streaming platforms.

Anila ang fabricated clip, na idinisenyo upang ipalabas ni Pangulong Marcos na umano ay nag-uutos sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na kumilos laban sa China, na mariing pinabulaanan ng PCO.

Ang PCO, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology (DICT), National Security Council (NSC), at National Cybersecurity Inter-Agency Committee ay kumikilos upang labanan ang salot ng digital deception.

Leave a comment