Bamban, Tarlac mayor may kaugnayan sa mga kriminal – Sen. Hontiveros

Ni NOEL ABUEL

Ibinulgar ni Senador Risa Hontiveros na may kaugnayan umano sa mga kriminal si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na pawang incorporators ng kanyang kumpanya na Baofu Land Development, Inc.

“Ang daming red flag ni Mayor Alice Guo. Wala na ngang maayos na record sa Pilipinas, may mga koneksyon pa sa mga kriminal. Is this why she is able to afford her lavish lifestyle? Galing ba sa mga kriminal at pugante ang pambili niya ng chopper at mga luxury cars?” pag-uusisa ni Hontiveros asked.

“Given her connections to criminals, I welcome the DILG’s move to remove Mayor Guo’s power over the local police. Dapat wala nang access si Mayor sa ating kapulisan kung siya pala ay protektor din ng mga kriminal,” dagdag pa ng senador.

Sa record ng Baofu noong 2019 sa Securities and Exchange Commission (SEC), sa mga dokumento, incorporators ay kasama si Guo, gayundin ang Pinoy na si Rachel Joan Malonzo Carreon, ang Cypriot national na si Zhiyang Huang, ang Chinese national na si Zhang Ruijin, at Dominican national Baoying Lin.

Ang Chinese national na si Zhang Ruijin ay napatawan ng parusa noong nakaraang buwan kaugnay ng pagkakasangkot nito sa tinaguriang pinakamalaking money laundering case sa Singapore.

Habang ang Dominican national na si Baoying Lin ay kasama rin sa nahaharap sa kaso.

Ayon sa ulat ng Channel News Asia, si Zhang Ruijin ay mayroong $41 million na assets sa ibang bansa kabilang ang shareholdings sa Philippine real estate development company.

“Ayon mismo kay Mayor, tinulungan daw siya ng mga kaibigan niya para makatakbo sa eleksyon nu’ng 2022. Itong mga kriminal at puganteng kaibigan ba ang sinasabi niya?” tanong ni Hontiveros.

“Kahit pa sabihin niyang nag-divest na siya sa Baofu bago tumakbo, the fact remains: she has ties with these criminals. Kaya ba siya tumakbong Mayor para maprotektahan niya ang mga kaibigan niya? I am looking forward to our hearing on Wednesday. Sana naman may maalala na si Mayor,” pahayag pa ni Hontiveros.

Leave a comment