Makatarungang kompensasyon sa mga biktima ng Marawi Siege iginiit ni Cayetano

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano na ibigay ang makatarungang kompensasyon para sa mga biktima ng 2017 Marawi Siege na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natanggap.

Giit ng senador dapat na ibalik na sa normal ang pamumumuhay ng mga residential ng Marawi.

Ang pahayag na ito ay kasunod ng naganap na Senate hearing noong May 21, 2024 ng Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) na pinangunahan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kasama ang mga pangunahing ahensya ng gobyerno.

Ito ay nakatuon sa progreso ng muling pagpapanumbalik ng Marawi City matapos ang madugong digmaan.

“The point of compensation is to return them to their situation before the Marawi war,” sabi ni Cayetano sa kanyang pakikipagtalakayan kay Atty. Maisarah Damdamun-Latiph, Chairperson ng Marawi Compensation Board (MCB).

“So if they built their house and it was worth P3 million ten years before the Marawi Siege, and then at the Marami Siege it was at P15 million, I have to give them the equivalent of P15 million now to return them to their status before the war because that is just compensation,” dagdag nito.

Nakisimpatya ang senador sa mga nawalan ng tahanan sa Marawi na patuloy na nasa proseso ng pagbangon, at binigyan-diin ang hamon ng pagtukoy sa “fair market value” ng kanilang mga tahanan.

“Kung ako ay nag-ipon or three generations minana ko ‘yung bahay na worth P5 million noong binomba, then you will now only give me P5 million and I can only build half of that house, I will feel na doble ang injustice para sa akin. Binomba na kami, ganyan pa ang trato ninyo sa amin,” aniya pa.

Sinabi naman ni Damdamun-Latiph na habang nais ng MCB na mapabilis at gawing makatarungan ang pagbibigay kompensasyon sa mga biktima, limitado ng batas ang kapangyarihan nito.

Subalit ayon kay Cayetano, bagama’t maaaring hindi sapat ang batas kasalukuyan, isinasaad naman sa Konstitusyon ang pangangailangan ng makatarungang kompensasyon sa pagkuha ng ari-arian.

“If we interpret the law in a way that doesn’t provide the correct amount, then that law will become unconstitutional because it says, ‘No taking of property without just compensation,’” ayon pa sa senador.

Hinikayat ni Cayetano ang lahat ng pangunahing ahensya ng gobyerno na magmungkahi ng “creative compensation solutions” sa mas mataas na mga awtoridad.

Iminungkahi rin ng independent senator sa MCB na bumuo ng isang joint resolution na magtatakda ng formula para sa fair market value para sa mga biktima upang matulungan ng Kongreso ang mga pamilyang nawalan ng tirahan na agarang makabalik sa kanilang mga tahanan.

Leave a comment