P1.2M tuition fee bawat Chinese students sa Cagayan ikinabahala ni Rep. Tulfo

Ni NOEL ABUEL

Kinuwestiyon ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party list Rep. Erwin Tulfo ang P1.2 milyong tuition fee bawat Chinese national na nag-aaral sa lalawigan ng Cagayan.

Kasabay nito ay hinikayat ng kongresista ang Kongreso na magsagawa ng malalimang pagbusisi sa mga financial transactions ng mga educational institutions partikular sa Cagayan province, matapos mabunyag na nagbabayad ng P1.2 milyon ang bawat Chinese student para lamang makapag-aral sa mga eskwelahan sa bansa.

Reaksyon ito ni Tulfo sa pagdinig ng House Committee on Justice na pinamumunuan ni Negros Occidental 4th Dist. Rep. Juliet Marie Ferrer, ukol sa pagdagsa ng mga Chinese students sa Cagayan province, partikular sa Tuguegarao.

Ibinunyag naman ni Cagayan 3rd Dist. Rep. Joseph Lara, na siyang nag-sponsor ng congressional inquiry na inamin mismo sa kanya ng pamunuan ng St. Paul University sa Tuguegarao na ang kada Chinese student ay nagbabayad ng P1.2 milyon para makapag-aral sa kanilang eskwelahan.

“It was not denied by the representative of St. Paul University, PJ Lappay, that the current fee paid by a Chinese student in St. Paul is one million two hundred thousand pesos (Php 1,200,000.00),” ani Cong. Lara.

Ikinagulat ito ni Tulfo kasabay ng matinding pagkabahala sa seguridad ng bansa.

“The recent revelation that a Chinese student was paying P1.2 million in school fees in the Philippines raises significant national security concerns. This incident underscores the need for rigorous scrutiny of financial transactions within our educational institutions, especially those involving foreign nationals,” pahayag ni Tulfo.

“It prompts an urgent review of our policies to ensure that they do not inadvertently compromise the country’s security and sovereignty. The government must act swiftly to implement measures that safeguard our national interests while maintaining the integrity and accessibility of our educational system,” dagdag ng mambabatas.

Mismong si Tulfo ay umamin na nasaksihan nito ang pagdagsa ng mga Chinese students sa kanyang huling pagbisita sa Tuguegarao ilang linggo na ang nakalipas.

“Nagulat ako kasi karamihan sa mga sinasabi nilang mga estudyante ay hindi naman mga mukhang estudyante. Karamihan sa kanila mga itsurang matanda na. Ito ang nakakabahala, baka mamaya sinasakop na nila ang ating bansa,” giit pa ni Tulfo.

Bukod sa St. Paul University, dumagsa rin umano ang mga Chinese students sa St. Louis University sa Tuguegarao.

Ibinunyag naman ni Tulfo na nakatanggap din ito ng ulat na maging sa Enrile at Sta. Ana, Cagayan ay dinadagsa na rin ng mga Chinese students.

Ani Lara, aabot sa 4,600 Chinese students ang naka-enroll sa mga paaralan sa Cagayan simula pa noong 2019 at target pa na umabot ng 10,000 ang bilang ng mga ito.

Leave a comment