Overstaying KSA national kalaboso ng BI Intel

NI NERIO AGUAS

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division ang isang Saudi Arabian national na matagal nang illegal na nananatili sa bansa.

Kinilala ni Bi Commissioner Jaime Morente ang nadakip na dayuhan na si Mohammed Karm A Al Baloshi, 50-anyos, sa tahana nito sa CSS Village, Zone 1, Bgy. Camp Tinio,  Cabanatuan City.

Sinabi ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. na madaling nadakip si Al Baloshi dahil sa tulong at koordinasyon ng Cabanatuan City Police Office at sa dalang mission order na inilabas ni Morente.

“Upon inspection, he was unable to present his documents,” said Manahan.  “It was later found out that he possessed an expired passport, and it was confirmed that he is already overstaying in the country,” sabi pa ni Manahan.

Base sa record ng BI, Hunyo 2020 pa nang mag-expired ang pasaporte ni Al Baloshi kung kaya’t idineklara na itong overstaying.

Kasalukuyang nakadetine sa  BI Warden Facility sa Bicutan, Tagig ang nasabing dayuhan matapos sumailalim sa RT-PCR test at lumabas ang negatibong resulta sa virus.

Leave a comment