Defensor at Castelo nakalalamang kina Belmonte at Sotto sa QC

Ni NOEL ABUEL

Napanatili ni Quezon City mayoral candidate at Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang kalamangan nito laban sa katunggaling si incumbent Mayor Joy Belmonte dalawang linggo bago ang May 9 elections.

Ayon kay Defensor, base sa monthly tracking survey na isinagawa ng pollster Issues and Advocacy Center noong Abril 4 hanggang Abril 15, lalong dumami ang tinatanggap nitong suporta kung saan nadagdagan ng dalawang porsiyento mula sa 54 porsiyento noong nakaraang buwan ang voter preference nito.

Samantalang, hindi naman aniya gumalaw ang ratings ni Belmonte at nanatili sa 37 porsiyento.

Maging ang running mate ni Defensor na si vice mayoral at Councilor Winnie Castelo ay lumawak ang lamang nito laban sa katunggali nitong si incumbent Gian Sotto, sa naitalang 51 porsiyento laban sa 34 porsiyento ng huli.

Pinasalamatan naman nina Defensor at Castelo ang mga residente ng lungsod sa tiwala at suporta kasabay ng panawagan na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan.

Sina Defensor at Castelo ay tumatakbo sa ilalim ng Malayang Quezon City coalition, na kaalyado  ng UniTeam tandem nina dating Senador  Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.

8 Comments

  1. #bbm-sara
    #uniteam
    #mikedenpensormayor
    #aterosecong-district5
    πŸ‘ŠπŸ»πŸ’šβ€οΈβœŒπŸ»πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­β˜ΊοΈπŸ’—βœŒπŸ»βœŒπŸ»

    Like

    1. may i kindly ask what day and venue of apo BBM’s rally here in Metro Manila on April 30?

      will this be on Saturday at Pasig or at Rizal?

      God Bless, see you πŸ™‚ 0917-598118

      Like

Leave a reply to Eunice Bron Cancel reply