P316M tulay sa San Simon, Pampanga sisimulan na ng DPWH 

Ni NERIO AGUAS

Opisyal nang sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang multi-million San Miguel Bridge 1 Project sa bayan ng San Simon, Pampanga.

Ayon sa DPWH papalitan ang isang lumang tulay na bakal sa kahabaan ng San Simon-Baliwag Road na tumatawid sa Pampanga River na kasalukuyang mapupuntahan lamang ng mga maliliit na sasakyan.

Ang pagtatayo ng 388.29-lineal meter 2-lane permanent bridge na may 238.03-meter approach sa ilalim ng Bridge Construction Replacement Program 1 ay ipatutupad sa halagang P316.48 milyon ng DPWH Unified Project Management Office Bridges Management Cluster (UPMO-BMC).

Sinabi pa ng DPWH na sa sandaling natapos ang proyekto, ito ay magiging isang all-weather bridge na maaari ring daan ng lahat ng uri ng sasakyan.

Ang groundbreaking ng bridge replacement project ay nilahukan ni Pampanga 4th District Rep. Anna York Bondoc, San Simon Mayor Jun Punsalan at Vice Mayor Dading Santos, at UPMO-BMC Project Engineer Richard Dean Santos na kumakatawan sa Project Director Rodrigo I. Delos Reyes at project manager Solomon  T. Vinta.

Target na matapos ang San Miguel 1 Bridge Replacement Project  sa Hulyo 2024.

Ililipat din ng DPWH ang lumang San Miguel Bridge sa isang kalapit na lokasyon na nag-uugnay sa Barangay San Pedro at San Nicolas, na maaaring daanan ng mga motorista habang nagpapatuloy ang pagsasaayos ng bagong tulay na ipapatupad sa loob ng 6-buwan.

Leave a comment