PGH tatanggap ng P3M donasyon sa ‘party with a cause’ ni Senador Sonny Angara  

Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naging pangunahing pandangal sa bday celebration ni Senador Sonny Angara habang nakikinig sa awitin ng mga senador. Nasa larawan din sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez (kaliwa) kung saan nakalikom ng mahigit sa P3M para sa PGH.

NI NOEL ABUEL

Nakalikom ng mahigit sa P3 milyon mula sa mga donasyon ng pagdiriwang ng ika-50 taong kaarawan ni Senador Sonny Angara na gagamitin para sa mga pasyente ng Philippine General Hospital (PGH) Medical Foundation Inc.

Sa ginanap na “Party with a cause” ni Angara, na dinaluhan ng malalapit nitong kaibigan at kapwa mambabatas, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at nina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker  Ferdinand Martin Romualdez, hiniling nito sa mga bisita na sa halip na magbigay ng regalo para sa kaarawan nito ay mag-donate sa mga pampublikong ospital at ngayong taon ay ang PGH ang magiging benepisyaryo.

Ayon kay Dennis Legaspi, communication director ni Angara, taun-taong ginagawa ng huli ang pagdiriwang ng kaarawan nito sa pamamagitan ng pagdo-donate sa nasabing pagamutan.

At matapos ang masayang musical numbers na ibinigay ng mga kaibigan at pamilya ni Angara ay nakalikom ng P3M na sinaksihan ni PGH director Dr. Gerardo Legaspi na nagpasalamat sa donasyon.

“Thank you to all for dear friends for all the love and support, from all over the country and across all sectors. Best part of the night is that we raised over Php3 million for the PGH Foundation-our chosen beneficiary in lieu of gifts,” sa Facebook post ni Angara.

Sinabi ni Angara na nagpapasalamat ito sa ibinigay na regalo at donasyon ng mga kaibigan nito na malaki ang maitutulong sa mga mahihirap na pasyente sa PGH.

Kasama ring dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ni Angara sina Senador Ronald dela Rosa, Senador Christopher “Bong” Go, Senador Robinhood “Robin” Padilla, Senador JV Estrada, Senador Mark Villar, Senador Ramon “Bong” Revilla, Senador Win Gatchalian at Senador Raffy Tulfo.

Leave a comment