
NI NOEL ABUEL
Itinutulak ni Senador Manuel ‘Lito’ Lapid ang panukalang ilibre ang gastos ang mga kukuhan ng pagsusulit ng Civil Service at Professional Regulatory Commission (PRC) examination.
Ayon kay Lapid bagama’t ipinatutupad ang Republic Act 10687 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, mahalaga na ituloy ang suporta sa mga bagong nagsipagtapos sa pag-aaral.
Sa inihain nitong Senate Bill No. 32, nais nitong i-exempt ang mga kuwalipikadong Filipino mula sa pagbabayad ng professional licensure examination fees na tutukuyin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“The fees range from P500 for civil service eligibility examinations with the Civil Service Commission to P600 for non-baccalaureate degree examinations with the Professional Regulatory Commission to P10,000 for the bar examinations,” paliwanag ni Lapid.
“With these amounts may seem insignificant to many of our countrymen, it can be monumental for fresh graduates from indigent families who are already struggling to find means to support themselves to review for these examinations,” dagdag pa nito.
Aniya, madalas na nangyayari na ang mga nagsipagtapos sa kolehiyo ay napipilitang tumigil pansamantala para makapag-ipon para sa CSC at PRC examinations at nagreresulta rin na hindi makapasa sa pagsusulit dahil sa nakakalimutan na ang pinag-aralan.
“Malaking bagay po sa pamilyang Filipino na magkaroon ng professional sa kanilang hanay. Hindi lamang po ito pinagmumulan ng karagdagang kabuhayan para sa kanila, ito ay nagbibigay karangalan at pag-asa sa kanila para sa lalong mabuting kinabukasan,” ani Lapid.
“Makatutulong din po sa ating bansa na magkaroon ng mas maraming propesyunal na makapagpapataas ng kalidad ng ating workforce na kinikilala hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo,” dagdag pa ng senador.
