Gusot sa PS-DBM sosolusyunan ni Budget chief Pangandaman – Rep. Recto

Rep. Ralph Recto

NI NOEL ABUEL

Tiwala si Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na magsasagawa ito ng “post mortem on delayed and bungled” procurement activities ng Procurement Service ng nasabing ahensya.

Kasabay nito, nagpahayag ng buong pananampalataya at kumpiyansa sa pagnanais ni Pangandaman na isama ang kontrobersyal na buying arm ng pamahalaan sa plano nitong pagbabago sa proyekto.

“I have no doubt that the highly capable Secretary Pangandaman will do what is right,” sabi ni Recto hinggil sa nadikubre ng Commission on Audit (COA) na iregularidad sa PS-DBM operations na hindi nangyari sa panahon nito.

“These are problems she inherited and I think that she will not allow these to continue. The DBM is under new management. With the change of guards comes a change of rules for the better,” sabi ng mambabatas.

Apela nito kay Pangandaman, dapat na maghanda ng isang “an exit plan” sa pag-phase down sa procurement activities ng PS-DBM.

“Those in the last-mile of procurement should be allowed to finish. Pero ‘yung hindi pa nasisimulan, kailangan na siguro i-return to sender,” sabi ni Recto.

Sinabi pa ng kongresista na anumang pagbabago sa Procurement Service ay dapat na masimula sa liderato ng DBM na tanggihan ang anumang utos at panggigipit.

“’Yan ang simula. Na huwag hayaan ang PS gamitin bilang isang parking lot of funds, or a facility to extend the validity of fund allotments,” sabi pa ni  Recto.

 Kinikilala ni Recto ang kahalagahan ng PS bilang ahensyang makakapagtipid sa pera ng taumbayan sa pamamagitan ng maramihang pagbili ng mga kagamitan, supply at iba pang equipments.

“Maganda ‘yung original mandate. But when it was forced to become a ‘central buying politburo’, doon na nagkaproblema,” dagdag pa nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s