P120M ibinigay na tulong pinansyal sa biktima ng lindol — DOLE

NI NERIO AGUAS

Nakapagpalabas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mahigit sa P128 milyon para matulungan ang mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol noong nakaraang buwan.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang tulong ay pinakinabangan ng 16,526  na biktima ng malakas na lindol na sumira sa maraming bahagi ng Northern Luzon.

Sinabi pa ni Laguesma na kabuuang P128,908,073.54 ang ipinamahagi ng DOLE para sa tulong at patuloy na programa bilang tugon sa nasabing kalamidad.

 “The bulk of the assistance or over P57 million was mainly coursed through the Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers or TUPAD,” ayon kay Laguesma.

“The remaining part of the fund went to financing our continuing programs such as skills training, government internship program, livelihood and AKAP,” dagdag pa nito.

Nabatid na ang AKAP ay one-time financial aid na ibinibigay sa mga nagbalik-bayang overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng krisis.

Kabilang sa  mga patuloy na programa na ipinatutupad ng DOLE ay ang joint training-cum-production at emergency employment program habang ang Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) ay para sa grupo ng mga manggagawa na magsagawa ng rehabilitasyon ng mga nasirang imprastraktura at heritage structures.

Sakop ng nasabing aid program ang Region 1 sa Ilocos, Region 2 sa Cagayan Valley at ang Cordillera Administrative Region.

Sinabi ni Laguesma na ang Ilocos Region ang nakatanggap ng pinakamalaking pondo na umabot sa P72 milyon na pinakinabangan ng 7,300 biktima habang ang CAR ay nakatanggap ng mahigit sa P55 milyon para tulungan ang 9,190 residente nito.

Samantala, mahigit naman sa P200,000 ang tulong na ibinigay sa Cagayan Valley para sa 36 benepisyaryo.

“Our instruction from the President is very clear and that is to help our countrymen recover from the tragedy. We are sending help to the affected regions as fast as we can,” sabi pa ng kalihim.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s