
NI NOEL ABUEL
Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Idol Raffy Tulfo na dahil sa laganap na brownout sa iba’t ibang probinsya ay magdudulot ito ng malaking banta sa pambansang seguridad.
Sinabi ni Tulfo na ang kapalpakan ng mga ahensya ng gobyerno na matugunan ang paulit-ulit na problema sa brownout ay maaaring makaapekto sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.
“Itong patuloy na pagba-brownout sa iba’t ibang panig ng Pilipinas is becoming a serious national security threat. This has to be addressed because terrorists, insurgents and other criminal elements could take advantage of the situation,” aniya Tulfo.
“Maaaring itiyempo ng mga masasamang loob na gumawa ng terroristic acts and other criminal activities tuwing brownout kaya kailangan nating tutukan at pigilan ang isyung ito na winalang bahala lang po ng ating kinauukulan, bago pa ito lumala,” babala pa ni Tulfo, chairman ng Senate Committee n Energy.
Una nang nakausap at napagsabihan ni Tulfo ang ilang opisyales mula sa mga electric cooperatives, tulad ng ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) dahil sa kapalpakan nilang ayusin ang problema sa kuryente sa kanilang nasasakupan.
Kamakailan lamang ay inihain nito ang Senate Resolution (PSR) No. 107 na naglalayong imbestigahan ang rotational blackouts at pagtaas ng singil sa kuryente sa bansa.
“Maaaring lusubin o i-overrun ng mga insurgents, terrorists at iba pang mga criminal elements ang mga police stations, military outposts, and other government facilities. Itse-tsempo lamang nila ang aksyon nila tuwing mayroong unaanounced brownout,” ani Tulfo.
Naalarma rin ang senador sa masamang epekto ng paulit-ulit at rotational brownout sa kalusugan at kaligtasan ng mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap.
“Malaki ang banta nito sa kaligtasan ng mga mahihirap nating kababayan, partikular na sa mga pasyente sa mga ospital, clinics, o centers na walang generator. Buhay ng mga pasyente na nasa kalagitnaan ng medical procedures ang nalalagay sa panganib tuwing magkakaroon ng unannounced brownout,” aniya.
Muling iginiit ni Tulfo na gagawin nito ang kanyang makakaya para masolusyunan ang problema sa kuryente at protektahan ang seguridad ng bansa.
“Ayoko pong dumating ‘yung panahon na magigising tayo sa isang umaga na iba na ang namumuno sa ating bayan dahil tayo ay nalusob na ng foreign elements dahil sa kapabayaan sa isyu of national concern,” sabi nito.
