
NI NOEL ABUEL
Inihain sa Senado ang panukalang batas na nagbibigay ng proteksyon, seguridad, at benepisyo sa mga mamamahayag at entertainment workers.
Sa inihain Senate Bill No. 1183 o ang “Media and Entertainment Workers’ Welfare Act”, ni Senador Christopher “Bong” Go, sinabi nitong ang mga mamamahayag at entertainment workers ang kabilang sa labor force na gumaganap ng isang mahalagang papel sa lipunan at ekonomiya ng bansa.
“They provide news, entertainment and other essential contents we need to keep us posted on all the current events happening around us. But behind the reports and contents, Go also noted that media and entertainment workers “trudge the day and night, amid the threat of COVID-19, just to provide people with crisp information and coverage,” sabi ni Go.
“Media and entertainment workers’ dedication for public service is truly undeniable. In recognition for their invaluable contribution in the society and the hazardous circumstances they are exposed to during crises, it is right and proper to commensurate their hard work with just emoluments and added labor protection under the law,” dagdag nito.
Sa ilalim ng nasabing panukala, bibigyan ng proteksyon, seguridad at insentibo ang mga media workers sa pamamagitan ng karagdagang health insurance package, overtime at night differential pay at iba pang benepisyo.
Dinagdag pa nito na kailangang may kontrata na nilagdaan sa pagitan ng media entity at ng empleyado nito upang magarantiya ang lubos na proteksyon mula sa hindi makatarungang kompensasyon at upang matiyak ang karapatan at kapakanan ng mga ito.
Sa sandali namang mabigong magkaroon ng written agreement, ang media o entertainment entity o ang hiring party ay papanagutin sa pamamagitan ng multa, depende sa halagang napagkasunduan.
Sinabi pa ni Go na sa panukala nito, ay nagbibigay ng panuntunan sa oras ng pagtatrabaho kung saan hindi aniya dapat lumagpas ng 8-oras ang trabaho maliban na lamang kung kinakailangan ang serbisyo hanggang sa 16-oras.
Para naman sa mga nakatatanda, ang hindi dapat na lumagpas ng 12-oras kada araw ang maging trabaho habang sa mga bata ay dapat na nakasusunod sa itinatakda ng Republic Act No. 7610 o ang “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act”, at ang Republic Act No. 9231 or the “Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child Act”.