
Ni NOEL ABUEL
Pinakikilos ng isang kongresista ang lahat ng local government units (LGUs) sa bansa para magpatupad ng Magna Carta para sa mga may kapansanan at pagkakaroon ng tanggapan para sa mga people with disabilities (PWDs).
Ayon kay Quezon City 5th District Rep. PM Vargas, tinawag nito ang pansin ng mga LGUs para magkaroon ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na naaayon sa Republic Act No. 10070 o ang Magna Carta for Disabled Persons.
Sa inihain nitong House Resolution 207, layon nito na pakilusin ang mga LGUs para magtayo ng PDAO sa bawat probinsya, lungsod, munisipalidad upang masiguro na naipatutupad ang mga programa at serbisyo para sa mga PWDs.
“More than 12 years after the law was enacted, Filipino persons with disabilities remain vulnerable to marginalization with the absence of established PDAOs in many LGUs in the country,” sabi ni Vargas base sa kanyang inihaing resolusyon.
Aniya, sa 81 probinsya, 146 syudad at 1,488 munisipalidad sa buong bansa, base sa datos ng National Council for Disability Affairs (NCDA), nasa kabuuang 387 LGUs lamang ang mayroong PDAO ngayong Hunyo 2021.
Sa nasabing bilang na 387 LGUs, tanging 254 sa mga ito ang mayroong focal persons na aakto bilang PDAO sa 4th hanggang 7th class municipalities.
“The ongoing COVID-19 pandemic has made it more difficult for Filipino persons with disabilities to avail of certain social services whereby local PDAOs could have alleviated these problems on accessibility,” sabi pa ni Vargas.
Nakasaad pa sa resolusyon na mahalagang magkaroon ng PDAO at focal persons para aktibong imonitor ang mga persons with disabilities sa bansa upang matulungan at mabigyan ng agarang social services para sa mga ito.
“It’s been more than a decade of waiting; It’s high time we deliver the promise of better and more accessible social services to Filipino persons with disabilities and their families,” ayon pa kay Vargas.
