P5.268 trillion 2023 national budget isusumite na sa Kamara

NI NOEL ABUEL

Nakatakdang matanggap na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa araw ng Lunes, Agosto 22 ang panukalang 2023 national budget mula sa Department of Budget and Management (DBM) na nagkakahalaga ng P5.268 trillion.

Ang nasabing panukalang budget ay kauna-unahang pondo na gagamitin ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung saan isusumite ang National Expenditure Program (NEP), ang bersyon ng executive department ng national budget sa pamamagitan ni DBM Sec. Amenah Pangandaman.

Kabilang sa inaasahang tatanggap ng 2023 national budget sina House Speaker Martin G. Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, House Committee on Appropriations chairman at Ako Bicol party list Rep. Zaldy Co at Marikina City Rep. Stella Luz A. Quimbo.

Sa ilalim ng Konstitusyon, ang Pangulo ang magsusumite sa Kongreso sa loob ng 30-araw mula sa pagbubukas ng regular session, bilang batayan ng general appropriations bill (GAB), ang pondo na gagamitin sa paggastos at pagmumulan ng financing, kabilang ang mga resibo mula sa kasalukuyan at sa panukalang revenue measures.

Ang budget at mga kasamang dokumennto ay isusumite sa Kongreso dahil sa itinatadhana sa Konstitusyon na ang lahat ng gugugulin, kita o bayarin sa taripa, mga  bayarin na nagpapahintulot sa sa pagtaas ng pampublikong utang, at iba pa ay eksklusibo lamang sa Kamara habang ang Senado ay maaaring magmungkahi ng amiyenda.

Gayunpaman, ang Palasyo ay tradisyunal na nagbibigay ng kopya sa Senado ng isinumiteng budget sa araw kung kailan ito isusumite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang panukalang pondo para sa susunod na taon na P244 bilyon o katumbas ng limang  porsiyento mahigit sa 5.024-trillion outlay ngayong taon.

Tinitiyak naman ng liderato ng Kamara na agad na tatapusin nito ang pagdininig sa komite hanggang sa plenary deliberations bago sumapit ang Oktubre 1, kung saann nakatakdang ang unang bakasyon ng Kongreso na tatagal ng hanggang Nobyembre 6.

“Last Congress, we did it, we were able to beat the September 30 deadline. We gave all members of the House time to deliberate, interpellate intelligently on all departments,” sabi ni Dalipe.

“The budget process starts here and we want to give all House members time to scrutinize the proposed budget. I can confidently say that we can make the September 30 deadline,” dagdag pa nito.

Sa darating na Agosto 26, sisimula ng House appropriations committee ang pagdinig sa NEP kasama ang mga  economic managers ng Marcos administration.

Sinabi naman ni Quimbo, senior vice chairman ng House Committee on Appropriations, na pipiliting matapos ang pagdinig ng komite sa buwang ng Setyembre 16 para may dalawang linggo ang Kamara sa plenary deliberations at sa ikatlo at huling pagbasa bago ang Oktubre 1.

“Rest assured that Congress shall work tirelessly to approve a budget that is responsive to the needs of the people and is able to bring inclusive and sustainable growth,” sabi ni Quimbo.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s