Filipino binabangungot pa rin ng Plaza Miranda bombing at Ninoy Aquino assassination – Rep. Lagman

Rep. Edcel Lagman

Ni NOEL ABUEL

Nananatili pa ring bangungot sa mga Filipino ang madugong pangyayari sa Plaza Miranda bombing noong Agosto 21, 1971 at ang Ninoy Aquino’s assassination noong Agosto 21, 1983.

Ito ang sinabi ni Albay Rep. Edcel C. Lagman, kung saan hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin aniyang natutukoy kung sino talaga ang nasa likod na dalawang magkahiwalay na pangyayari para mapanagot sa hustisya.

“The Filipino nation was horrified, even as the world was shocked, by the viciousness of the Plaza Miranda bombing during the proclamation rally of the senatorial candidates of the Liberal Party and its local aspirants in the City of Manila,” ayon pa kay Lagman.

Aniya, 12-taon, sa kahalintulad na petsa, si dating Senador Ninoy Aquino, ang principal opposition figure laban sa martial law regime, ay brutal na pinaslang nang dumating ito sa Manila International Airport matapos ang tatlong taong voluntary exile sa Estados Unidos.

“While the Plaza Miranda bombing eventually led to the declaration of martial law the following year, the assassination of Ninoy ultimately led to the people’s liberation as they ousted the dictator in the peaceful EDSA people power revolution,” sabi pa ni Lagman.

Ipinahayag ng pa nito na bagama’t ang mga Filipino ang biktima sa dalawang madugong pangyayari, ang Liberal Party (LP) at mga opisyales nito ay kasama rin sa naging biktima.

Aniya, sa Plaza Miranda bombing, 10 indibiduwal ang nasawi at daan-daan pa ang nasugatan kabilang si dating LP stalwarts na sina dating Senador Jovito Salonga at Eddie Ilarde; Liberal Party president Gerry Roxas; LP senatorial candidate John Osmeña at ang mga guest candidate na sina Eva Estrada-Kalaw; at dating Palawan Congressman Monching Mitra, na pawang nanalo noong Nobyembre 1971 senatorial elections kasama si Genaro Magsaysay.

Kasama rin sa nasugatan na kandidato ng LP sina dating Manila Mayor Ramon Bagatsing at  dating  Vice Mayor Martin Isidro na pawang nagwagi rin sa kanilang laban.

Sinabi pa ni Lagman na si Salonga ay nabulag ang kaliwang mata at nawalan ng pandinig sa isang tenga kung saan maging sa pagpanaw nito matapos ang 45-taon, ang maliliit na piraso ng shrapnel ay hindi naalis sa katawan nito habang si Bagatsing ay naputulan ng paa.

At nang ma-ambush naman si Aquino ay dahil sa nakilala itong kritiko ng Marcos administration at ng  martial law regime nito.

“The challenges of the Plaza Miranda bombing and the killing of Ninoy Aquino continue to confront us today,” sabi pa ni Lagman.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s