DPWH nag-abiso sa road repairs ngayong weekends

NI NERIO AGUAS

Naglabas ng abiso ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga motorista sa National Capital Region (NCR) sa inaasahang pagsisikip ng trapiko bunsod ng isasagawang road rehabilitation activities ngayong weekend.

 Ayon sa kalatas na inilabas ng DPWH- National Capital Region Office, 14 na road sections ng Quezon, Makati, at Pasig simula ngayong alas-11:00 ng gabi.

Nabatid na apat na segments sa EDSA Northbound: Santolan MRT Station, bus lane; P. Tuazon flyover hanggang Aurora Tunnel, 3rd lane mula sa center island; mula Aurora Boulevard hanggang New York Street, 3rd lane mula sa center island at mula Kamuning Road at Kamias Road hanggang JAC Liner Bus Station, sa tabi ng center island sa Quezon City.

Maaapektuhan ang EDSA Southbound sa harap ng GMA Network Building, U-turn slot service road; Kamuning Road intersection, 3rd block service road; sa harap ng Kamuning Police Station 10, 2nd block service road; at mula sa Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge sa Quezon City.

Apektado rin ang Fairview Avenue Southbound, mula Fleur de Lis Street hanggang Labayane Street, 1st lane mula sa center island; Cloverleaf Northbound, mula EDSA hanggang NLEX segment, outer lane at Roosevelt Avenue sa panulukan ng EDSA, outer lane.

Samantala, sa C-5, service road sa harap ng Global Oil Gas Station sa Pasig City, may isasagawang pasasaayos sa panulukan ng C.P. Garcia Avenue, 2nd block mula sa center island sa Quezon City at southbound second lane sa Makati City na isasara para sa reblocking.

Pinapayuhan ang mga apektadong motorista na gumamit ng mga alternate routes upang makaiwas sa trapiko.

Sa Agosto 30, 2022, ganap na alas-5:00 ng madaling-araw ay bubuksan ang mga nasabing kalsada.  

Leave a comment