
Ni NOEL ABUEL
Nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) para sa susunod na akademikong taon upang makapagbigay ng mas pantay na sistema sa pagsusuri ng mga potensyal na estudyante.
“As the country’s national university and recipient of a lion’s share of budget for SUCs, it behooves upon UP to maintain its high standards of academic excellence by, among others, admitting only the best and the most deserving high school graduates through a more holistic admission process,” sabi ni Cayetano sa inihain nitong Senate Resolution (PSR) No. 157.
Ayon sa PSR No. 157 o “Resolution expressing the sense of the Senate to strongly urge UP to administer the University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) starting academic year 2023-2024 which makes the admission process more holistic”, hindi katulad ng ibang pagsusulit ay naka-standardize ang UPCAT para sa lahat ng mga nais makapasa, at maraming salik ang nakakaapekto sa grado ng mga estudyante sa high school tulad ng magkakaibang sistema ng pagmamarka sa mga paaralan, mga pamantayan ng mga guro at paaralan, at iba pa.
Tatlong taon nang ipinagpaliban ng UP system ang UPCAT at sa halip ay pinapasok ang mga estudyante batay sa kanilang akademikong performance sa senior high school.
“Going to UP is a dream of many Filipinos. It is not the student-applicant’s fault that the high schools they attended do not have the habit of giving relatively higher grades. Without UPCAT, we are killing the dreams of these highly qualified students without giving them a chance,” pahayag ni Cayetano sa resolusyon.
“Kailangang isaalang-alang ng UP ang UPCAT sa susunod na taon upang patuloy na maakit at aminin ang pinakamahusay sa pinakamahusay,” dagdag nito.