P2,000 monthly allowance para sa public school teachers iniapela

NI NOEL ABUEL

Umapela ang ilang kongresista sa pamahalaan na pagkaloob ng P2,000 buwanang allowance para sa mga public school teachers sa buong bansa para magamit sa pagbili ng school supplies at iba pang gamit sa pagtuturo.

Sa inihaing House Bill No. 3543 nina Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte at Benguet Rep. Eric Yap, sinabi ng mga ito na kasabay ng pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa ay malamang na gumastos ang mga pampubikong guro sa mga teaching supplies and materials.

“Teaching is a profession that serves as a foundation of all other professions,  the salaries that educators receive, particularly public school teachers, are not commensurate to the sacrifices they make in helping shape the future of the country’s youth,” sabi ng mga ito.

“Teachers serve as the nation’s modern-day heroes—tirelessly providing at par education to the youth and honing them to become valuable members of the society,” anila pa.

Sinabi pa ng dalawang kongresista na maliban sa mahirap na pagtuturo ng mga guro, nakadaragdag din sa pinoproblema ng mga ito ang mga gagamitin sa eskuwela kung saan sariling pera ang ginagastos ng mga ito.

Paliwanag pa nina Duterte at Yap na ang panukala ng mga itong P2,000 cash allowance aay maliit na bagay lamang kung ikukumpara sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin kasama ang mga teaching aids at iba pang materyales.

Nakasaad pa sa nasabing panukala na ang cash allowance ay ililibre sa buwis at isasama ito sa annual budget ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).

Nakapaloob din sa panukala na ang kalihim ng DepEd ay inaatasang magsagawa ng periodic review sa mga Teaching Supplies Allowance.

Sa kasalukuyan, ang cash allowance na tinatanggap ng mga guro ay para sa mga  public school teachers, na mas kilala bilang “chalk allowance,” na ibinibigay base sa probisyon ng national budget. 

“Public school teachers will have to cope with even more expenses to carry out their responsibilities once full face-to-face classes are implemented. Our proposal will help ease these financial woes,” sabi pa ni Duterte.

Leave a comment