
NI NOEL ABUEL
Unanimous ang naging boto ng mga kongresista para kilalanin at parangalan si Olympic pole vaulter Ernest John “EJ” Uy Obiena dahil sa kabayanihan nito para ilagay sa kasaysayan ang Pilipinas.
Sa House Resolution (HR) No. 317, na inihain nina House Speaker Martin G. Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos, House Minority Leader Marcelino C. Libanan, at Tingog Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre, nagkaisa ang mga mambabatas na bigyang pagkilala si Obiena dahil sa kagalingan nito kung saan huling napanalunan nito ang gintong medalya sa 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim at sa True Athletes Classic 2022 sa Leverkusen na pawang sa Germany.
“Resolved by the House of Representatives, to congratulate Ernest John ‘EJ’ Uy Obiena for winning the gold medals in the 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting held in Jockgrim, Germany and in the True Athletes Classics in Leverkusen, Germany. Resolved, further, that a copy of this Resolution be given to Ernest John “EJ” Uy Obiena,” ayon sa resolusyon.
Nabatid na pinag-isa na lamang ng HR No. 317 ang HR Nos. 103, 105, 123, 131, 138, 147, 207, at 246.
“The exemplary performance of Ernest John ‘EJ’ Uy Obiena in pole vaulting deserves utmost commendation and distinction for the honor and glory he brought to the country. With his string of accomplishments, EJ’s feat is one of the greatest in Philippine athletics’ history, and underscored the kind of dizzying heights the country has achieved in pole vaulting,” according to the resolution,” nakasaad pa sa resolusyon.
“He is set to compete again in various events, and with his hard work and determination to be the best male pole vaulter, success is within his reach,” dagdag pa nito.
Noong Agosto 23, 2022, nakuha ni Obiena ang gintong medalya nang pangunahan ang 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany kung saan natalo nito ang 10 atleta nang talunin ang 5.81 meters kabilang ang Amerikanong si Christopher Nilsen na nakapagtala ng 5.71 meters at pumangala sa nanalo habang ikatlo naman si Kurtis Marschall ng Australia, na nakapagtala ng 5.71 meters.
Nasundan ito makalipas ang limang araw nang isa pang gintong medalya ang makopo ni Obiena sa True Athletes Classics 2022 sa Leverkusen, Germany noong Agosto 28, 2022 kung saan nalagpasan nito ang 5.81 meters para talunin si Rutger Koppelaar ng Netherlands at Kurtis Marschall ng Australia.
Dahil sa pagkakapanalo ni Obiena ng dalawang gintong medalya ay aawtomatiko itong makakalahok sa 2023 World Athletics Championships sa Budapest, Hungary.