
Ni NOEL ABUEL
Malaking tulong para sa mga local government units (LGUs) ang P30 hanggang P50 milyong disaster resilience funds na ibibigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) para sa kaligtasan ng mga itinuturing na disaster-prone areas.
Ito ang sinabi ni Ako Bicol party list Rep. Elizaldy Co, chairman ng House appropriations committee kung saan ang nasabing pondo ay malaki ang maitutulong sa darating na dalawang bagyo sa mga darating na araw.
“This Pagcor provision, totalling between P7.29 billion to P12.15 billion for the country’s 243 legislative districts, is particularly significant as the country again braces for two weather disturbances, Tropical Depression Gardo and Super Typhoon Hinnamnor,” sabi ni Co.
“We thank Chairman Al Tengco for agreeing to provide evacuation and disaster resilience buildings. This amount will help each district cope with typhoons, floods, earthquakes, and volcanic eruptions that frequent our country,” dagdag nito.
Sa ginanap na congressional budget hearing, sinabi ni Tengco, sa House Committee on Appropriations na kumita ang Pagcor ng P35.48 bilyon noong nakaraan taon kung saan sa unang bahagi ng kasalukuyang taon ay kumita na ang ahensya ng P26.7 bilyon.
Bilang paghahanda, ang Pagcor ay naglaan noong 2019 ng P3.5 bilyon para sa konstruksyon ng multi-purpose evacuation centers at nagsimulang magtayo ng building safe havens para sa 77 disaster-prone areas sa buong bansa.
Sa kasalukuyan, nasa 15 evacuation facilities pa lamang ang naitatayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa datos ng 2020 World Risk Index, ang Pilipinas ay nasa ika-9th sa buong munndo na nakakaranas ng masamang panahon at kalamidad.