
NI NOEL ABUEL
Pinatitiyak ng isang kongresista sa mga opisyales ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na walang sisinuhin sa mabilis na pag-aresto sa mga nasa likod ng pananambang sa bayan ng Ampatuan sa limang tauhan ng Philippine National Police (PNP) na ikinasawi ng dalawa sa mga ito.
Ito ang sinabi ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez upang matukoy at papanagutin ang mga suspek na tumambang sa nasabing mga pulis na ikinasawi ng isang hepe ng pulisya na si Lt. Reynaldo Samson at ang aide nitong si Cpl. Salipudin Endab at ikinasugat ng tatlo pa na sina M/Sgt Renante Quinalayo, Corporals Rogelio dela Cuesta Jr. at Mark Clint Dayaday.
Nanawagan din si Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety, sa mga BARMM officials na sagutin ang sinasabing nangyaring ang pananambang bilang resulta ng pagkabigo ng mga pulis na humingi muna ng permiso bago makapasok sa teritoryong kontrolado ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) .
Sinabi pa ni Fernandez na mismong si Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang umano’y nagsabi ng hindi inaasahang pangyayari sa isang pulong balitaan kamakailan.
“There is only one Philippine National Police, there is only one Armed Forces of the Philippines and we are here to serve our countrymen. Why do our police personnel need to seek permission?” tanong pa ni Azurin.
Dinagdag pa ni Fernandez na ang pahayag ni Azurin ay nagdulot ng malubhang alalahanin sa kasalukuyang sitwasyon ng pagpapanatili ng kapayamapaan at kaayusan sa mga lugar ng BARMM.
“We hope our brothers in the BARMM will prove wrong the statement made by Gen. Azurin. They can do this by capturing those behind the killings,” panawagan pa ng kongresista.
Paliwanag pa ni Fernandez sa mga opisyales ng BARMM na dapat tiyakin ang kooperasyon nito sa PNP at AFP sa pagpapatupad ng legal na kautusan at pagpapanatili ng peace and order sa kanilang hurisdiksyon.
“Our leaders succeeded in putting an end to the long years of bloody conflict in Mindanao. We must do everything we can not to put this victory for peace to waste,” aniya pa.
Kaugnay nito, nagpahatid ng pakikiramay ang kongresista sa pamilya ng mga nasawi at sa lidelrato ng PNP.
