Surigao del Sur at Antique nilindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur kanilang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

 Ayon sa Phivolcs, dakong ala-1:02 ng madaling-araw nang maitala ang nasabing lindol na natukoy sa layong 078 km hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

 May lalim itong 005 km at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang intensity ang Phivolcs dahil malayo naman ito sa mga kabahayan ng nasabing lalawigan at wala ring naitalang nasirang gusali o bahay sa naturang paglindol.

Wala namang inaasahang aftershocks ang Phivolcs kung saan pinayuhan ang mga pamilya sa nasabing lugar na mag-ingat pa rin.

Samantala, niyanig din ng lindol ang lalawigan ng Antique kaninang umaga.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.1 na lindol dakong alas-9:49 ng umaga na naramdaman ng ilang residente sa bayan ng Anini-y, Antique.

Natukoy ang lindol sa layong  056 km timog kanluran ng Anini-y (Antique) at may lalim na 032 km at tectonic ang origin.

 Naramdaman ang intensity 1 sa Anini’y, Antique.

 Wala ring inaasahang aftershocks ang Phivolcs.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s