
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng lindol ang lalawigan ng Cagayan at ang Occidental Mindoro, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-12:32 ng ngayong tanghali nang maitala ang magnitude 4.3 sa Richer scale sa layong 004 km hilagang kanluran ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan.
May lalim itong 020 km at tectonic ang origin.
Naramdamang ang intensity 1 sa bayan ng Claveria, Cagayan.
Wala namang inasahang aftershocks ang Phivolcs at wala ring naitalang nasirang gusali o bahay sa nasabing lindol.
Samantala, dakong alas-12:41 ng tanghali nang maitala ang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Paluan, Occidental Mindoro.
Natukoy ang sentro nito sa layong 040 km timog kanluran ng Paluan, Occidental Mindoro at may lalim na 019 kms at tectonic ang origin.
Hindi naman naramdaman ang nasabing lindol sa nasabing bayan at wala na ring inaasahan pang aftershocks.
Ngayong araw ay nakapagtala ang Phivolcs ng 25 mahihinang paglindol na mas konti kung ikukumpara noong araw ng Sabado na nasa 43 ang naitalang paglindol.
