Mas mabigat na parusa sa child pornography at online sexual exploitation iginiit ng kongresista

Rep. PM Vargas

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ng isang kongresista na dapat nang patawan ng mas mabigat na parusa ang mga sindikatong mapapatunayang sangkot sa child pornography at online sexual exploitation sa bansa.

Ayon kay Quezon City Rep. PM Vargas panahon nang ipatupad ang mabigat na parusa sa mga sindikato at indibiduwal upang mapigilan na ang pang-aabuso sa mga kabataang Pinoy.

Sa inihain nitong House Bill No. 4116, o ang “Anti-Child Pornography and Online Sexual Exploitation Act,” parusang reclusion perpetua at multang aabot sa P2 milyon ang kakaharapin ng mga masasangkot sa syndicated child pornography at online sexual exploitation.

Sa nakaraang Kongreso, naghain din si dating Rep. at ngayo’y konsehal ng Quezon City na si Alfred Vargas, ang kapatid ng incumbent solon, ng ilang panukalang batas na naglalayong protektahan at pangalagaan ang karapatan ng mga bata. 

Kabilang dito ang mga panukalang batas na nag-uutos sa mga pasilidad na madaling gamitin sa mga sanggol sa mga tanggapan ng gobyerno, pagpaparusa sa sadyang hindi pagbabayad ng suporta sa bata, pagprotekta sa mga bata mula sa pagkakalantad sa secondhand smoke, pagtatatag ng mga sentro ng krisis sa rehiyon para sa mga batang lansangan, at pagtatakda ng oras ng trabaho para sa mga nagtatrabahong bata.

“Children today are more vulnerable to sexual predators and syndicates lurking online. The Department of Justice (DOJ) should be commended for their tough stance to protect our children. This bill will provide our government the legal weapon they need to address these nefarious activities,” sabi pa ng kongresista.

Paliwanag pa ni Vargas, ang panukala nito ay amiyendahan ang Anti-Child Pornography Act of 2009 sa kadahilanang sa kasalukuyang panahon na gumagamit na ng digital technology at maraming kabataan ang laging naka-online.

“Keeping them away from the perils of predators online is an enormous challenge for the government, as well as non-government sectors,” sabi nito.

Inihalimbawa pa ni Vargas ang  2017 report ng  United Nations International Children’s Education Fund (UNICEF) na 8 sa 10 kabataang Filipino ang nasa high risk na biktima ng pang-aabuso sa internet.

“This makes the Philippines the number one global source of child pornography and a hub for the live-streamed sexual abuse trade,” ayon pa sa mambabatas.

Sinabi rin ni Vargas na sa kasagsagan ng global pandemic at quarantine lockdown noong nakaraang taon, may dalawang milyong batang Pilipino ang nakaranas ng online na pang-aabusong sekswal.

“Despite the efforts of the government and other stakeholders, the country is making little progress in keeping children safe in the fast-changing digital era,” giit ng kongresista.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s