
Ni NOEL ABUEL
Ngayong plano ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na magkaroon na karagdagang 14,208 tauhan sa susunod na taon ay dapat na mas maging mabilis ang pagtugon ng mga ito sa distress calls at solusyon sa krimen.
Ito ang sinabi ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto kung saan kung matutuloy ang pagkuha ng serbisyo ng 14,208 bagong pulis ay maaari nang mapabilis ang pagtugon ng mga ito sa bawat krimen na sa 15-minuto at paglutas sa kaso ng 91 porsiyento.
Dagdag pa ng kongresista, kung matutuloy ang plano ng PNP ay ito na pinakamalaking bilang ng makukuhang dagdag na tauhan ngayong taon.
“While index crimes went down during the pandemic, from 43,912 in 2020 to 37,842 in 2021, “there were still 22 rape cases, 14 robbery cases, 14 murder victims a day last year,” sabi ni Recto.
“Ito lang ang reported. Kasi halimbawa doon sa theft, 32 cases a day sa buong Pilipinas lang ang reported. Marami doon sa mga nahablutan ng bag o cellphone, nanakawan ng bike o manok, hindi na siguro isinumbong sa pulis,” dagdag nito.
Sa nasabing bilang aniyang mare-recruit, 1,000 ang uupo sa bagong posisyoon habang ang 13,208 ang pupuno sa mga bakanteng posisyon.
“The hiring will cost taxpayers P5.18 billion, “in initial salary alone, not including training and equipment. If hiring targets will be achieved, the PNP will have a 227,410 men and women in uniform next year,” ani Recto.
Ayon sa PNP, sa sandaling matupad ang pagkuha ng mga bagong pulis ay mangyayari na ang police officer-to-population ratio na 1 sa baway 494.
“Pero ito ang ratio, on paper. Kasama sa bilang ang mga nasa headquarters at administrative support. Mas mababa ang bilang ng mga pulis na in any given hour ay na naka-duty,” ayon pa kay Recto.
Nabatid na humihingi ang PNP sa Kongreso ng P191.5 bilyon para sa susunod na taon na mas mataas ng P801 milyon, o kalahati ng 1 porsiyento ng P190.7 bilyong pondo ngayong taon.
Sa “Performance Indicators” ng PNP sa susunod na taon, ang index crimes ay mababawasan ng 5 porsiyento o katumbas ng 33,793 nito ay 91 porsiyentong pagtaas ng 7 porsiyento mula sa 85.1 % goal, ay malulutas.
At upang mangyari ito, nangako ang PNP na ang police response time na 15 minuto sa urban areas ang mangyayari at pagpapakalat ng 37.5 milyong foot and mobile patrols sa 2023.
“Siyam sa bawat sampung krimen ang lulutasin. ‘Yan ang promissory note ng PNP. Nangako rin sila na kapag nag-S.O.S. ka sa pulis, wala pang kinse minutos, nandiyan na sila,” sabi ni Recto.