Apela ng dating kongresista sa PDAF scam ibinasura ng Sandiganbayan

NI KAREN SAN MIGUEL

Lalong nakasama sa halip na makatulong ang apela ng isang dating kongresista sa kasong kinakaharap nito kaugnay ng pork barrel scam.

Nabatid na iniapela ni dating Iloilo Rep. Niel “Junjun” Tupas Jr. ang inilabas na resolusyon ng Sandiganbayan Fourth Division noong Hulyo 26, 2022 hinggil sa kasong isinampa ng prosekusyon.

Sa anim na pahinang desisyon na inilabas ng Sandiganbayan Fourth Division na may petsang Agosto 31, 2022, sinasabing ang motion for reconsideration ng dating kongresista ay lalong nagkumbinse sa prosekusyon na lalong magpapatibay sa kaso nito.

“Through the instant motion of accused Tupas, the Court was afforded an opportunity to take a second hard look on the entirety of the evidence presented …and it is not looking good for the accused,” sabi ng Sandiganbayan.

Si Associate Justice Lorifel Lacap Pahimna ang nagponente sa resolusyon kasama sina Associate Justices Michael Fredrick L. Musngi at Bayani H. Jacinto.

Nabatid na si Tupas ay kinasuhan ng isang count ng bawat graft at malversation of public funds kaugnay ng umano’y maanomalyang pagpapalabas ng P5 milyoon mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o “pork barrel” nito noong 2008.

Sinabi ng prosekusyon na ang pera ay napunta sa Kabuhayan at Kalusugan Alay Para sa Masa Foundation Inc. (KKAMFI), na isang bogus na non-government organization (NGO), at ginamit ang National Agribusiness Corporation (Nabcor) bilang conduit.

Kasama rin sa kinasuhan sina dating Nabcor president Alan A. Javellana, dating Administrative and Finance head Rhodora Mendoza, dating General Services Unit head Romulo Relevo, accountant Ma. Julie A. Villaralvo-Johnson at private defendant na si Marilou Antonio, project coordinator ng KKAMFI.

Habang ang PDAF ay dapat na pondohan ang mga programa sa agrikultura para sa mga magsasaka sa Iloilo sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga hand tractors, water pump at grafted fruit seedlings, sinabi ng mga corruption investigators na ang pera ay ibinulsa ng mga nasasakdal.

Natuklasan din ng state auditors at ng Ombudaman investigators na ang proyekto ay hindi naipatupad.

“To cut the long story short, it turned out that no water pumps, hand tractors, and graft fruit seedlings were procured by KKAMFI. The supposed beneficiaries denied having received anything. In other words, it starkly appeared to be a ghost or inexistent project,” ayon sa Sandiganbayan.

Isang bagay ang tumindig sa korte na ang liham na kahilingan mula kay Tupas na may petsang Mayo 15, 2008 sa Department of Agriculture na naglipat ng P5 milyon sa Nabcor.

Si Tupas din ang nagrekomenda sa KKAMFI bilang project partner ni Javellana at pinayagan ang Nabcor na magbawas ng tatlong porsiyento mula sa P5 milyon bilang administrative cost bago ang paglilipat ng balanse sa nasabing NGO.

“The table is now open for the accused to show that he has a card up his sleeve. Whether he plays it or folds up will depend upon the accused. It is imperative for the accused to present exculpating evidence,” ayon pa sa Sandiganbayan.

Pinayuhan ng korte ang dating kongresista na maghanda para sa isang ganap na paglilitis at humanap ng ekspertong saksi sa sulat-kamay na magpapatibay sa kanyang argumento na ang kanyang mga pirma na lumalabas sa ilang mga dokumentong iniharap ng prosekusyon ay pawang peke.

Leave a comment