
NI KAREN SAN MIGUEL
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental at Surigao del Norte kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 5.1 na lindol na tumama sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental dakong ala-1:20 kaninang madaling-araw.
Natuoy ang sentro ng lindol sa layong 351 km timog silangan ng Balut Island, Sarangani ng nasabing lalawiagan at may lalim na -11 km.
Tectonic ang origin ng lindol at wala pang impormasyon kung may nasirang mga gusali sa paglindol.
Paalala pa ng Phivolcs sa mga residente ng nasabing lalawigan na mag-ingat sa posibilidad na magkaroon ng mga aftershocks sa mga susunod na araw.
Samantala, naitala naman ang magnitude 4.7 na lindol na tumama sa Surigao del Norte dakong alas-7:12 ng umaga.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 012 km hilagang kanluran ng bayan ng Burgos, Surigao Del Norte at may lalim na 028 at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity II sa Surigao City, Surigao Del Norte kung saan wala namang iniulat na nasirang mga ari-arian at gusali.
Wala namang inaasahang aftershocks ang Phivolcs sa mga susunod na araw.
