Pinsal Falls sa Nueva Ecija pagagandahin ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Tinitiyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mamadaliin nito ang pagsasaayos ng lansangan patungo sa Pinsal Falls sa Lupao, Nueva Ecija upang mas maraming turista ang magsadya dito.

 Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, base na natanggap nitong ulat kay DPWH Regional Office 3 Director Roseller A. Tolentino, nakalatag na ang mga kakailanganin ng DPWH Nueva Ecija First District Engineering Office (DEO) para sa pagsasaayos ng kalsada sa nasabing tourist spot ng Nueva Ecija’s.

Nabatid na noong 2017 pa sinimulan ang konstruksyon sa mga sirang kalsada bilang suporta sa inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng Lupao para mapaganda ang Pinsal Falls Ecotourism Park sa Barangay Namulandayan.

Ayon naman kay OIC-District Engineer Armando Z. Manabat, ang DPWH Nueva Ecija First DEO ay nagsasagawa ng P9.6 million upgrades sa kahabaan ng 1.23-lane kilometer section ng access road.

Sinabi pa ni Manabat na ang unpaved sections ng access road ay inirekomendang isama sa panukalang FY 2023 DPWH Annual Infrastructure Program.

Maliban sa pagpapahusay sa tourism industry sa nasabing lugar ay makikinabang din ang ga lokal na magsasaka para maging madali ang pagdadala ng produkto ng mga ito patungo sa mga merkado upang maibenta ang kanilang agricultural products tulad ng bigas, masi at sibuyas.

Leave a comment