Moratorium sa pagtatayo ng school libraries tapusin na — solon

Rep. Ralph Recto

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan ang isang kongresista sa pamahalaan na simulan na muli ang pagtatayo ng school libraries sa buong bansa upang matulungan ang mga estudyante na makapagbasa  at makaangat sa  tala ng mga 79 bansang kasama sa 2018 Programme for International Student Assessment ng Organization for Economic Cooperation and Development.

Ayon kay House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto dapat nang simulan ng mga ahensya ng pamahalaan partikular ng Department of Education (DepEd) na pagtatayo ng silid-aklatan sa mga paaralan sa buong bansa.

 “We should end the moratorium in building new libraries. A school without one is like a swimming pool without water,” sabi ni Recto.

Aniya, matagal nang panahon nang paglaanan ng panahon at pondo ang pagtatayo ng silid-aklatan.

Sinabi pa ni Recto na noong 2006, naglaan ang pamahalaan ng P120 milyon para sa pagtatayo ng 60 library hubs at 12 big learning resource centers.

Taong 2014 nang simulang iprayoridad ng DepEd ang pagtatayo ng silid-aklatan subalit nang sumunod na taon ay nawala na ito.

Isa sa nakikita ng mambabatas na paraan ay ang pagdaragdag sa pondo ng DepEd para sa pagtatayo ng bagong gusali kung saan sa susunod na taon ay may nakalaan lamang itong pondo na P5.91 bilyon na sapat lamang sa 2,379 bagong silid-aralan.

“Kung totoong 900,000 enrollees ang bagong lipat from private to public schools, ‘yan pa lang 22,500 dagdag na rooms na ang kailangan. “Maglaan tayo ng pondo para sa libraries sa 2023 budget. It’s time to turn the page and reverse the neglect of this vital school facility,” paliwanag pa ni Recto.

Nabatid na ang Pilipinas ay nakapagtala ng pinakamababang test scores sa reading comprehension sa 79 bansa na lumahok sa 2018 Programme for International Student Assessment.

“This should jolt all of us into intensifying our efforts to make pupils read and develop the fondness for books that do not only inform, but also prepare young minds to acquire deeper knowledge on science, mathematics, economics and other fields,” sabi ni Recto.

“Let’s make sure that our young people will fall in love with books. And building book depots and reading centers could be the start of their beautiful relationship with reading. If we want our kids to read, read, read, we should build, build, build libraries,” dagdag pa nito.

Leave a comment