Sa magnitude 7.7 na lindol sa Papua New Guinea

NI MJ SULLIVAN
Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba na magkakaroon ng tsunami sa mga baybayin ng bansa kasunod ng malakas na lindol sa bansang Papua New Guinea kaninang umaga.
Sa inilabas na tsunami information no. 1 ng Phivolcs, sinasabing walang anumang senyales na tatamaan ng tsunami ang Pilipinas kasunod ng magnitude 7.7 na lindol sa Papua New Guinea.
“No tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” ayon sa Phivolcs).
Nabatid na dakong alas-7:46 ng umaga nang lumindol sa nasabing bansa na natukoy sa New Guinea Reg Papua New Guinea na may lalim na 079 km.
Ayon pa sa Phivolcs, maaaring magkaroon ng tsunami sa mga baybayin na nasa 1,000 km mula sa epicenter sa pagitan ng Papua New Guinea at Indonesia.