
NI MJ SULLIVAN
Muling niyanig ng paglindol ang lalawigan ng Surigao Del Norte kaninang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-12:20 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 4.3 sa richer scale na nakita ang sentro sa layong 034 hilagang silangan ng bayan ng Santa Monica, Surigao del Norte.
May lalim itong 012 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang lindol sa ilang bayan ng nasabing lalawigan kabilang ang intensity IV sa Santa Monica and Burgos, Surigao Del Norte; intensity III sa San Isidro, San Benito, at Del Carmen, Surigao Del Norte.
Gayundin, intensity II sa Pilar, Surigao Del Norte at sa Basilisa, Dinagat Islands.
Samantala, sa instrumental intensity naitala ang intensity I sa Surigao City, Surigao Del Norte.
Wala namang inaasahang naging danyos sa nasabing paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
