Flood control program sa Gitnang Luzon nakalatag na — DPWH

Ang mga tauhan ng DPWH sa pangunguna ni Senior Undersecretary Emil K. Sadain at ng kumpanyang Woodfields Consultants Inc. habang ipinakikita ang gagawing plano para masolusyunan ang pagbaha sa Central Luzon.

NI NERIO AGUAS

Inilatag na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang design plan para sa gagawing unang proyekto sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. na naglalayong mawala na ang nararanasang pagbaha sa Pampanga at Bulacan. 

Sa kanyang report kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, sinabi ni Senior Undersecretary Emil K. Sadain na ang planning and engineering consulting firm na Woodfields Consultants Inc. ang kinomisyon ng ahensya para magsagawa ng comprehensive formulation para maging epektbo at maayos ang plano para sa Pampanga River Basin sa Central Luzon.

Sinabi pa ni Sadain na matapos ang pagkikipagpulong nito sa Woodfields consultants ay napagpasyahan na gumawa ng isang buong plano para sa Central Luzon – Pampanga River Floodway Flood Control Project sa retarding swamp sa San Antonio Swamp at ang Pampanga Delta Development Program Phase 2.

Kasama rin sa pagpupulong sina DPWH UPMO Project Director Rodrigo I. Delos Reyes; UPMO Project Managers Isabelita Manalo, Edgar Jiao, at Edison Olalia; at Project Manager Maximo Bulanadi ng Woodfields Consultants Inc.

Ang pagpapalawak sa mga daluyan ng ilog at konstruksyon ng viaduct, dikes, revetment works, cut-off channel, control weirs, floodgates at sluicegates ay iminungkahing engineering interventions upang mabawasan at maiwasan ang pinsala sa baha dulot ng pag-apaw ng tubig-ilog sa mga komunidad.

Sinabi pa ni Sadain na ang project components ng panukalang flood control plan at disenyo ay ng 100-year flood return period na sasakop sa buong flood mitigation sa Centfal Luzon mula sa Nueva Ecija, Pampanga, at Bulacan.

Nabatid na ang Pampanga River Basin mula sa Manila Bay ay dumadaan sa mga probinsya ng Pampanga, Nueva Ecija at Bulacan habang ang iba pang pangunahing river network na konektado sa Pampanga River Basin ay ang Talavera River, Rio Chico River, Pantabangan River, Colonel River, Peñaranda River, Sacobia River, San Miguel River at Angat River.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s